The REWARD for conformity is that EVERYONE likes YOU, except YOURSELF...

Home » Archives » 14. April 2008

tulala

April 14, 2008

 

Hindi ko alam kung bakit nagsimula na naman ang pagdampi ng mga daliri sa lumang makinilya. Patuloy ang pagmarka ng mga titik sa kabila ng katotohanan na  wala namang kahulugan ni isa sa kanila. Sumasabay lang sa agos. Naghahanda. Naghihintay. Naglalakbay ang diwa sa kawalan.

Hindi ko alam kung bakit muling nagbadya ang pagpatak ng ulan sa kabila ng mataas na sikat ng araw. Para bang walang bahaghari sa dulo ng lahat. Para bang madilim ang ulap.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa hangin upang magdala ng kakaibang lamig na nanunuot sa laman. Hindi ko maintindihan kung bakit may agam agam na sumusuot sa isipang nakalutang. May mga nararamdaman na hindi kayang pigilan. Katulad ng lumbay dulot ng mapait na kahapon at walang kasiguruhang bukas.

 

Hindi ko alam ang sanhi ng lumbay.

Hindi ko alam kung paano pipigilan.

Hindi ko alam.

 

 

Posted by sinnernsaint at 4:28 pm | permalink | Add comment