The REWARD for conformity is that EVERYONE likes YOU, except YOURSELF...

Home » Post Item » si intian at ang mga chibas sa isang "live" at "true to life" na paglalakbay

si intian at ang mga chibas sa isang "live" at "true to life" na paglalakbay

March 25, 2008

Ang haba ng title ng entry na ito. Kulang pa nga sa tingin ko dahil talaga namang hitik sa kaganapan ang aming unang paglalakbay sa "summer of 2008". Marahil ay hindi ko kayang mapantayan ang "blow by blow" account ni intian ng mga pangyayari (i’m sorry, intian/sorry, guys!) pero sisikapin kong bumuo ng isang magandang kwento na maari nating balikan sa mga susunod na taon.

Sa kabila ng mabilisang pagpapasiya, natuloy ang aming visita iglesia. Sa unang araw, si cookie ang nagprisintang magmaneho sa "live" na paglalakbay. All in all, nakarating kami sa 11 simbahan at 1 chapel/convent : 1. St. Peter Church sa Commonwealth Ave. 2. Church of the Holy Sacrifice sa UP Diliman, 3. Christ the King, (kung saan nakita raw yata ni jules si reuben manahan na naging kaklase nya raw) 4. Mt. Carmel Church, 5. St. Michael Church sa Bacoor, Cavite, 6. St. Mary Magdalene sa Kawit, Cavite, 7. Our Lady of Fatima sa Binakayan, 8. Our Lady of the Pillar sa Imus, 9. Our Lady of Candelaria sa Silang, 10. Tierra de Maria sa Tagaytay, 11. Our Lady of Perpetual Help sa Tagaytay at 12. Pink Sisters Convent sa Tagaytay pa rin.

 

   TIERRA DE MARIA sa Tagaytay. Isa ito sa mga naging paborito kong simbahan. Gusto kong i-promote ang Tierra dahil sa kanilang Our Lady of Manaoag. The healing priest also conducts special (healing) masses.

Dito sa Ina ng Laging Saklolo namin tinapos ang Station of the Cross.Hindi namin alintana ang pagkuha ng litrato.—>

 In short, hindi namin pinapansin si WIL. :)

  

  

Sa Jesu Mariae Retreat House (tama ba chiba?) kami nagpalipas ng magdamag. Maaliwalas ang lugar kaya naman naging mahimbing na rin ang aming pagtulog sa kabila ng mga nagba-vibrate na "bagay-bagay" at ilan pang mga reklamo tungkol sa double deck na umuuga at sa flat na kutson.

Marami kaming naging moments sa retreat house at syempre, binigyan din namin ng moment si J na hindi raw nakatulog sabi ni W. *wink*.

 

Ito ang una naming litrato sa camera ni wil. Kumpleto ang cast ng paglalakbay, maliban kay wil. Mula sa kaliwa : jules,shie,chace,cookie, intian, mish at raks.

 

Final shot sa Retreat House. Wala na naman si WIL.

 

 

Isa sa mga moments sa Pink Sisters. Nakakatuwa si J, huli. Hehehe.

By the way, sa Pink Sisters kami nakabili ng iba’t ibang uri ng dressing. Binigyan din kami ng libreng "gulay". Si raks ang pinakamaraming nabili dahil trip na trip ni intian ang garlic dressing at thousand island. Dito ko rin naka-engkwentro ang isang ama ng tahanan na hindi magandang ehemplo sa kanyang anak. (maybe I’ll write about this in another entry).

Ito naman ang aming mga captured moments sa BLUE PALM RESORT sa Calamba, Laguna:

 

Wawa si Shie (sabi niya lang hehe!)

 

Ang saya!

Sarap maligo! (wala na naman si wil!)

  

Mula kaliwa: 1. mish, shie & intian, 2. shiela the model, 3. mga diyosa at si intian. haha! 4. karera (panalo si intian!)

 

intian and mommy

jules, the man! (hehe, peace!)

 

next cover of MANUAL ;p

finally, siniguro ko na hindi makakalimutan ni intian ang pangalan ko! here are my intian moments:

 

   

 


Posted by sinnernsaint at 1:49 pm | permalink

Add a comment